Wednesday, September 2, 2009

Wikang Filipino:Mula Baler Hanggang Buong Bansa

Ang bawat tao ay may mga o kanya-kanyang pagkakaunawaan opagkakakilanlan. Ang ating sariling wika ay napakahalaga sapagkat ito'y sariling atin at dapat natin itong tangkilikin at pagyamanin. Ito rin ang siyang susi sa ating pambansang identidad o pagkakakilanlan upang ang bawat isasa atin ay magkaisaat magkaunawaan.
Sa ating bam\nsa maraming dialekto ang ginagamit natin sa pakikipag-usap katulad ng Iloko, Waray, Pangasinense at iba pa, pero ang pinakamainam na dapat nating gamitin ay ang tagalog sapagkat ito ay madaling sabihin, unawain, at matutunan. Ito rin ang mas madalas gamitin sa pagtuturo, pakikipagtalastasan, sa pagbabalita, at iba pa dahil mas madali itong maintindihan at maunawaan.
Ang ating sariling wika ay dapat nating tangkilikin at pagyamanin sapagkat ito'y sariling atin. Dapat rin nating itong paunlarin nang sa gayon ay makatulong rin ito sa pag-unlad ng ating bansa.

1 comment: